-- Advertisements --

Makakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon ang buntot ng frontal system habang ang easterlies naman ang mararanasan sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng tail-end of frontal system at easterlies ang Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Davao Region, at Northern Mindanao.

Magiging maulap din na may kasamang pag-ulan sa Quezon, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, at Kalayaan Islands.

Mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, at Aurora dahil sa hanging amihan.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing parte ng Luzon, makararanas ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang ulan bunsod din ng northeast monsoon.

Sa natitirang parte naman ng bansa, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms.