-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng lalawigan ng Batanes.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 1,340 silangan ng Basco, Batanes.
Sa ngayon, ang nasabing LPA ay wala pang direktang epekto sa bansa.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagya hanggang sa katamtamang maulap na papawirin na may panaka-nakang pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
May posibilidad din umanong magkaroon ng flash flood o landslide sa mga lugar na may nakataas na severe thunderstorms.