-- Advertisements --
Magiging maulap ang kalangitan na may kasamang pag-ulan sa karamihan sa mga lugar sa bansa ngayong araw dahil sa easterly winds.
Nakasaad sa 4 a.m. bulletin ng PAGASA na ang Eastern Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ambon at thunderstorms.
Ang mga lugar na ito ay posibleng makaranas daw ng flash floods kapag magkaroon ng malalang thunderstorms.
Ang Metro Manila at ang nalalabing lugar sa bansa, ay makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers at thunderstorms.
Maari rin umanong magkaroon ng flash flood sa mga lugar na ito.