-- Advertisements --
Pinayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga mamamayan na manatil na lamang sa loob ng bahay at uminom ng maraming tubig dahil sa pag-init na ng panahon.
Kasunod ito sa tuluyang pag-alis na ng bagyong Bising nitong Linggo ng umaga.
Inaasahan kasi na papalo mula 25 hanggang 33 degress Celcius ang mararamdamang temperatura sa Metro Manila at Puerto Princesa habang mayroong 24 hanggang 34 degress sa Tuguegarao, 22 hangagng 32 degess sa Laoag, 26 hanggang 32 degrees sa Legazpi at 22 hanggagn 31 degrees sa Tagaytay.
Makakaranas din ng parehas na temperatura ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa loob ng ilang araw ay asahan ang pagtaas ng temperatura.