-- Advertisements --
Makakaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Mindanao at Eastern Visayas ngayong araw dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Kaya naman pinayuhan ng Pagasa ang mga residente sa naturang mga lugar na maghanda sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.
Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala rin ang Pagasa sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides sa naturang mga lugar.