Nagbabala ang weather bureau PAGASA hinggil sa matinding peligro ng storm surge na posibleng aabot ng higit tatlong metro ang taas partikular sa mga coastal areas ng Catanduanes, Camarines Norte, northern coastal areas ng Quezon kabilang ang Polillo Islands at Camarines Sur sa susunod na 24 hours.
Mataas din ang peligro ng storm surge na aabot sa higit 3.0 metro ang taas sa coastal areas ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Bataan, southeastern coastal area ng Batangas at ang southern coastal areas ng Quezon.
Storm surge hanggang 2.0 metro ay maaaring maapektuhan ang coastal areas ng Marinduque, Lubang Island, Albay, Masbate (kabilang ang Ticao at Burias Islands), Northern Samar, at Eastern Samar at ang mga coastal areas ng Quezon, Camarines Sur, at Batangas.
Dagdag pa ng PAGASA, “There is also a moderate to high risk of seiche or storm surge over the coastal areas surrounding Laguna de Bay and Taal Lake. These storm surges, which may be accompanied by swells and breaking waves reaching the coast can cause life-threatening and damaging coastal inundation.”
Nag-landfall na kaninang alas-4:50 ng umaga ang Bagyong Rolly sa vicinity ng Bato, Catanduanes at kasalukuyang binabayo na ng malakas na hangin at malakas na ulan sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, northern portion ng Sorsogon at central and southern portion ng Quezon sa susunod na 12 oras.