LEGAZPI CITY – Pinaghahanda ng PAGASA ang publiko sa mga pag-ulan na dulot ng penomenang La Niña.
Sinabi ni PAGASA Climatologist Anna Solis sa Bombo Radyo Legazpi, magpapatindi sa mga pag-ulan na magdudulot sa pagbaha at paguho ng lupa ang naturang penomena.
Tinatayang tatagal ito mula Oktubre 2020 hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.
Mula sa kategoryang weak La Niña, itataas ito sa moderate subalit paliwanag ni Solis na hindi nangangahulugan ng paglakas kundi sa posibleng epekto nito.
Maliban sa mga bagyo, kaylangang bantayan ang epekto ng iba pang weather systems na nagdadala ng mga pag-ulan tulad ng Inter-Tropical Convergent Zone, malakas na Habagat at Amihan gayundin ang mga Low Pressure Area at iba pang frontal systems.
Kung bagyo naman ang pag-uusapan, ipinaliwanag ni Solis na mas malakas ang sama ng panahon na nararamdaman tuwing El Niño subalit mas malaki ang kontribusyon ng ulan sa mga bagyo tuwing La Niña.