-- Advertisements --

Napanatili ng Tropical Depression “Atsani” ang lakas nito habang patuloy na lumalapit papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Batay sa Tropical Cyclone Advisory ng ahensya, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,655-kilometers silangan ng Southern Luzon. Kumikilos naman ito patungo sa direksyon ng hilagang-kanluran sa bilis na 25-kilometers per hour.

Ang hangin nito ay nasa 55-kilometers per hour, habang ang pagbugso ay nasa 70-kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, sa Lunes ng umaga pa inaasahang papasok ng PAR ang sama ng panahon, na papangalanang bagyong Siony.

“‘ATSANI’ will move generally northwestward today through Tuesday morning. It will turn slowly westward then west-southwestward on Tuesday afternoon before it begins to slightly accelerate west-southwestward on Wednesday. It is forecast to enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow afternoon.”

Pinayuhan na ng state-weather bureau ang publiko at concerned disaster risk reduction and management council’s para bantayan ang mga susunod na update kaugnay ni “Atsan.”