Magdagdala ng mga pag-ulan sa pitong mga lugar sa bansa ang trough o extension ng isang low pressure area (LPA) at ang umiiral na northeasterly surface windflow.
Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region dahil sa trough ng LPA.
Habang ang northeasterly surface windflow naman ang makakaapekto sa Northern at Central Luzon.
Kaya naman, magiging maulap din ang panahon na may kasamang mga pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora at Quezon.
Magdudulot din ito ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan sa Ilocos Region at sa nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon.
Ang Metro Manila at nalalabing parte naman ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorms.