-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ‘wala nang inaasahang bagyo o sama ng panahon na papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa natitirang araw sa Abril.

Paliwanag ng weather bureau specialist Benison Estareja, bagamat may mga namumuong ulap na nakita sa silangang bahagi ng Mindanao, wala raw indikasyon na magiging bagyo ito sa mga susunod na araw.

Nanatili ang easterlies at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) bilang pangunahing dahilan ng mga nararanasang pag-ulan sa bansa.

Asahan naman ang mga pag-ulan at thunderstorms sa Palawan at Mindanao dulot ng ITCZ sa loobg ng 24-oras.

Samantala makakaranas naman ng mga kalat-kalat na pag-ulan dulot ng easterlies ang mga lugar ng Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte.

Ibinabala naman ang mga posibilidad ng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar. Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin.