-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Narekober ng militar ang mga malalakas na uri ng Improvised Explosives Device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba sa kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng 602nd Brigade na nakubkob ng pinagsanib na puwersa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army,34th IB,62nd Division Reconnaissance Company, EOD Team at Pikit PNP ang pagawaan ng bomba ng BIFF sa Sitio Blah Brgy Manaulanan Pikit North Cotabato.

Naka-imbak ang mga IEDs sa isang bahay na inabandona ng mga rebelde at iniwan sa kanilang pagtakas.

Narekober ng militar ang sampung (10) Plastic Container 1Liter Flash powder, Improvised Electric Blasting Cap, (1) Plastic Container 1Liter Flash Powder, (1) Firing Wire (20 mtrs), at isang 12volts Battery.

Malaki ang paniniwala ni 602nd Brigade Commander,Bregadier General Roberto Capulong na ang grupo ng BIFF na kanilang tinutugis sa Brgy Manaulanan sa bayan ng Pikit at may-ari ng mga bomba ay posibling siyang nagpasabog sa bayan ng Libungan Cotabato at Cotabato City.

Nanawagan naman si 7th IB Commander Lieutenant Colonel Niel Roldan sa taong bayan na mapagmatyag, alisto at at agad i-ulat sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang kilos sa kanilang lugar.