-- Advertisements --

Sinalakay at winasak ng militar ang main IED factory ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa may bahagi ng southern Liguasan sa Maguindanao.

Alas-4:00 ng madaling araw kanina ng simulan ng militar ang kanilang operasyon.

Ayon kay 6th Infantry Division, commander BGen. Cirilito Sobejana, isang deliberate operations ang kanilang inilunsad kanina na ginamitan ng lahat ng available resources ng militar gaya ng ground and aerial support mula sa Philippine Air Force (PAF).

Malaking dagok sa BIFF ang pagkawasak ng kanilang IED factory.

Matagumpay na nakubkob ng militar ang nasabing lugar kung saan ongoing pa rin ang ginagawang clearing operations.

Masaya namang ibinalita ni Sobejana na nakawagayway na ngayon ang bandila ng Pilipinas sa nasabing dating kuta ng BIFF.

Binigyang diin ni Sobejana na bago nila inilunsad ang operasyon kanilang siniguro na walang sibilyan ang maaapektuhan.

Dagdag pa ni Sobejana kanilang na preserve ang peace process sa MILF.

Nasa 60 hanggang 100 mga armadong BIFF members ang nakasagupa ng militar.

Hindi pa masabi ni Sobejana kung ilan ang casualties at fatalities sa hanay ng rebeldeng grupo.