-- Advertisements --

Matagumpay na nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang umanong shabu laboratory sa Sitio Sagel, Brgy Pinol, Maitum, Sarangani Province sa lob pa mismo ng isang warehouse .

Batay sa ulat na natanggap ng PNP Camp Crame, pasado alas 8:30 ng umaga kahapon ang sinalakay ng PNP ang lugar bitbit ang Search Warrant .

Tumambad sa kanila ang mga kagamitan na hinihinalang gamit sa paggawa ng shabu.

Bukod dito ay natukoy rin na ang nasabing warehouse o bodega ay nasa loob ng isang kampo na siyang inaangkin ng MNLF.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Pambansang Pulisya upang matukoy kung sino-sino ang sangkot sa naturang ilegal na aktibidad.

Bineberipika na rin ng PNP ang pagkakakilanlan ng umanoy chinese national na pabalik-balik sa lugar.