-- Advertisements --
lagman 2020 08 25 21 57 20

Mayroon umanong kaugnayan ang pagbaba kay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pwesto bilang Senior Deputy Speaker at ang pagbitiw ni VP Sara Duterte sa pamumuno ng Lakas-CMD party ayon kay First District of Albay at Liberal Party President representative Edcel Lagman.

Nagsisimula na umanong magposisyon para sa 2028 presidential elections bago pa man ang kalagitnaan ng termino sa kasalukuyang administrasyon.

Asahan rin daw na ang pamumulitikang ito ay magdudulot ng pagbabago sa gabinete ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr.

Kaya naman ayon sa mambabata, nakabantay ang Liberal Party sa mga posibleng pagbabago at mga bagong posisyon sa administrasyon.

Matatandaan raw na noong taong 2018, sina representative Arroyo at VP Duterte ay nagsabwatan upang patalsikin si Speaker Pantaleon Alvarez.