-- Advertisements --

Bumagal ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam ayon sa opisyal ng National Water Resources Board (NWRB).

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr na naging maganda ang epekto ng isinasagawang cloud seeding operations sa naturang lugra.

Iniulat din ng opisyal na ang antas ng tubig sa dam nitong umaga ng Lunes ay nasa 190.75 meters na maituturing na mababa naman kung ikukumpara sa naitalang antas ng tubig sa dam noong nakalipas na taon.

Ngunit sa kabila naman ng pagbaba ng water level sa Angat dam na nagsusuplay ng 90 porsyento ng kinakailangang tubig sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya ngayong panahon ng mainit na panahon sa bansa, hindi naman nakikitaan ng NWRB na makakaranas ng water supply krisis.

Sa katunayan may paghahanda ang ahensiya na ginagawa para kung sakaling patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig ay mayroong alternatibong pagkukuhanan ng suplay sa tubig.