-- Advertisements --

Nagresulta umano sa pagbaba ng infections ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon sa miyembro ng UP Pandemic Response Team na si Dr. Jomar Rabajante, bumaba ang COVID-19 infections sa Metro Manila base sa resulta ng confirmatory o RT-PCR tests subalit patuloy ang pagtaas ng mga dinadapuan ng sakit sa ibang bahagi ng bansa kabilang dito ang Cordillera, Bicol Region, Davao region at Mimaropa.

Binigyang diin ni Dr. Rabajante ang epekto ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa pagbaba ng mga kaso.

Aniya, bagamat hindi 100 porsyento ang efficacy ng mga bakuna ang kagandahan nito ay hindi na gaanong makakahawa sa ibang tao dahil mas mababa na ang viral load kapag bakunado na.

Tumataas sin ang ICU occupancy rate bagamat bahagyang nag-plateau kung saan sa pagtataya pa ng UP pandemic response team ay sa katapusan ng Setyembre hanggang sa unang bahagi ng OKtubre.

Kailangan naman ayon kay Dr. Rabajante na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga kabataan upang maabot ang 90% herd immunity at inaasahan na magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases.