-- Advertisements --

Bumabagal na sa ngayon ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam, ayon sa isang opisyal ng National Water Resources Board (NWRB).

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na ang tubig sa Angat Dam kaninang umaga ay pumalo sa 190.75 meters.

Mas mababa aniya ito kung ikukumpara sa mga naunang taon, subalit mabagal aniya ang pagbaba ng lebel ng tubig sa naturang dam dahil sa cloud seeding operations na isinagawa ng ahensya.

NAbatid na ang minimum operating water level ng Angat Dam, na siyang pinagkukuhanan ng 90 percent ng water requirement ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya, ay papalo sa 180 meters.

Sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam sa kasagsagan ng mainit na panahon sa bansa, sinabi ni David na hindi naman nila nakikita na magkakaroon ng krisis sa supply ng tubig.

May mga alternatibo rin kasi aniyang pinagkukuhanan ng Tubig, ayon kay David.