-- Advertisements --
Naitala ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga kaso ng dengue sa bansa. Nasa halos 8% ang binaba ng datos.
Dagdag pa ng ahensya na bumaba rin mula noong nakaraang taon ang mga namamatay dahil sa dengue na may fatality rate na nasa 0.26% na lang.
Kaugnay nito, tinitignan at pinaghahandaan pa rin ng ahensya ang posibleng pagtaas ng mga kaso dahil na rin sa mga patuloy na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kaya naman patuloy ang paghimok ng Department of Health na ugaliing gawin ang pagsira ng maaaring pamugaran ng lamok, proteksyunan ang sarili, magpakonsulta agad kung may nararamdaman at pausukan ang mga hotspot area lalo na tuwing tag-ulan.