Mararamdaman ng mga mamimili ang pagbaba ng presyo ng asukal sa mga pamilihan sa unang quarter pa ng susunod na taon.
Ito ay kasunod ng pagdating ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal na inangkat ng pamahalaan at ang pagsisimula ng harvest at milling season ng mga local farmers.
Normal umano na kapag maraming supply, bumababa din naman ang presyo nito sa pamilihan.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, mayroon nang 20 sugar miller associations ang bumalik sa kanilang operasyon kaya mas mabilis na ang pagproseso sa pag-ani ng asukal.
Aniya, ito rin ang sinabihang dahilan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung sa unang quarter pa ng susunod na taon mararamdaman ang pagbaba ng presyo nito.
Sa ngayon, mayroon pa ring ibinebentang asukal sa halagang 70 pesos kada kilo sa mga pangunahing supermarkets sa bansa.