-- Advertisements --
nfa
Photo courtesy of National Food Authority FB page

Hindi sang-ayon ang Philippine Grain Retailers Confederation of the Philippines (GRCP) sa pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.

Sinabi ni GRCP President James Magbanua, kung makakabuti sa mga mamimili ang nasabing mababang presyo ng bigas ay malaking epekto naman ito sa mga magsasaka.

Itinuturong dahilan ng nasabing pagbaba ng presyo ng bigas bansa ay ang pagdami ng suplay nito.

Base sa talaan kasi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang presyo ng well-milled at regular milled rice ngayong taon kumpara noong 2018.

Mayroong P39.00-P42.00 ang presyo ng well-milled rice ngayong taon kumpara sa P41.00-P44.00 noong 2018.

Habang mayroong P35.00-P38.00 ang regular milled rice ngayon 2019 kumpara sa P38.00-P40.00 na presyo noong 2018.