-- Advertisements --

Hindi pa ramdam ng ilang mamimili ang pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa mga pampublikong merkado sa Metro Manila.

Ayon sa ilang tindera, bagamat mas magaan na sa bulsa ang presyo ng sibuyas kung ikukumpara noong nakaraang taon, mataas pa rin kung tutuusin ang presyo nito kung ititimbang sa dami ng suplay.

Kaugnay nito, ang pasamantalang pinapahinto ng Department of Agriculture sa pagpasok ng imported na sibuyas sa bansa. Alinsunod ito sa mungkahi ni agriculture secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated.

Dumagsa ang suplay ng sibuyas dahil sa anihan noong Disyembre, na sinabayan pa ng pagdating 100 toneladang imported na sibuyas sa bansa.