Bumaba ang presyo ng mga sibuyas sa farmgate sa gitna ng pagdating ng mga inangkat na sibuyas sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng isang grupong pang-agrikultura.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So, bumaba ang presyo ng mga puting sibuyas sa P70-P90 kada kilo mula sa pinakamataas na P700 noong Disyembre.
Gayunpaman, nasasaktan ang mga magsasaka dahil sa mababang presyo ng farmgate ng mga bilihin at produktong pang-agrikultura.
Kaya naman, nanawagan ang grupo ng mga magsasaka na konsultahin muna umano sila bago magsagawa ng importation ang gobyerno.
Una na rito. humiling din sila sa Department of Agriculture ng mga buto ng pananim at mga fertilizers na magagamit nila sa kanilang sakahan na makakatulong para sa pagpapalago ng kanilang mga produktong itinatanim.