-- Advertisements --
who

Naalarma na ang mga eksperto sa pagbagsak ng tiwala ng maraming mamamayan sa paggamit ng vaccines sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ito ay makaraang lumabas sa pag-aaral na paghina umano ng “public mistrust” na naging dahilan kung bakit lumalala ang paglaban sa mga “preventable infectious diseases.”

Ang pinakamalaking global study sa immunisation ay nagpapakita ng kakulangan ng tiwala sa ilang rehiyon.

Kabilang sa nagsagawa ng pag-aaral ay ang Wellcome Trust analysis na kumuha ng kasagutan mula sa mahigit 140,000 katao sa mahigit 140 countries.

Nauna na ring may babala ang World Health Organization (WHO) na ang pag-aalinlangan sa paggamit ng vaccine ay isa sa Top 10 threats sa global health.

Narito pa ang resulta na pag-aaral na ginawa ng Wellcome Trust batay sa mga katanungan kung ligtas nga ba ang mga vaccines:

79% “somewhat” or “strongly” agreed
7% somewhat or strongly disagreed
14% neither agreed nor disagreed

Sa tanong naman kung naging epektibo ang vaccines:

84% agree either strongly or somewhat
5% either strongly or somewhat disagree
12% neither agreed nor disagreed

Inamin naman ni Dr Ann Lindstrand, isang expert sa immunisation program sa WHO ang nagsabi na ang kasalukuyang sitwasyon ay “extremely serious.”

“Vaccine hesitancy has the potential, at least in some places, to really hinder the very real progress the world has made in controlling vaccine-preventable diseases,” ani Dr Lindstrand. “Any resurgence we see in these diseases are an unacceptable step backwards.”

Para sa mga eksperto ang mabisa pa ring depensa batay sa mga scientific evidences laban sa nakakamatay na infection tulad ng measles ay vaccine pa rin.

Ang vaccines ang nagsisilbing proteksiyon sa bilyong katao sa mundo na halos mawala na ang pag-iral ng smallpox, ganon din ang polio.

Pero ang panunumbalik umano ng mga sakit na tulad ng measles ay bunsod na rin nang pagkawala ng tiwala ng mga tao sa vaccines at sa takot na dala ng kakulangan ng tamang impormasyon.

“The Philippines has had persistent low immunization coverage over the past few years, from above 80% in 2008 to below 70% in 2017. According to World Health Organization (WHO) estimates, 2.6 million Filipino children under the age of 5 years are not protected from measles, with 80% coming from 7 out of 17 regions. Chronic low routine immunization coverage and vaccination hesitancy is broadly agreed as the root cause for this outbreak,” bahagi pa ng pag-aaral ng WHO sa Pilipinas.