-- Advertisements --

Ikinatuwa at kinatigan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang unemployment sa Pilipinas ay bumaba.

Naitala kasi ang 3.2 porsyento noong Nobyembre 2024, mula sa 3.6 porsyento noong nakaraang taon.

Ang underemployment rate naman ay bumaba rin sa 10.8 porsyento mula sa 11.7 porsyento.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang susunod na hakbang ay ang pagpapalawak ng mga oportunidad sa negosyo at trabaho.

Ang gobyerno ay nakatuon din sa pagpapabuti ng kalidad ng mga trabaho sa pamamagitan ng mga pagsasanay at pag-unlad ng kakayahan ng mga manggagawa.

Layunin ng mga programang ito na matugunan ang mga pangangailangan ng lumalaking ekonomiya at magbigay ng mas mataas na sahod.