-- Advertisements --
Ikinatuwa ni Department of Finance Secretary Ralph Recto ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa.
Ayon kay Recto, ito ay isa sa mga maituturing na senyales ng pagganda ng ekonomiya ng Pilipinas kung kaya’t marami sa mga Pilipino ang may trabaho.
Ang naturang pahayag ay ginawa ng kalihim kasunod ng naitalang 3.7 percent na pagbaba sa unemployment rate noong Setyembre ng taong ito.
Ito ay batay na rin sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority.
Punto pa ni Recto na ang Pilipinas ay nagtataglay ng paborableng demographics sa ASEAN.
Aniya, isa itong golden moment sa Pilipinas gayong mapapakinabangan ito ng pangmatagalan.
Dapat din na mapag-kalooban ng mas maraming oportunidad ang mga Pilipino para makaahon sa kahirapan.