-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Pahirapan sa ngayon ang pagbaba ng bangkay ng apat na lulan ng bumagsak na Cessna plane dahil sa lokasyon nito sa taas ng Bulkang Mayon at dala na rin ng panahon.

Ayon kay Camalig Mayor Irwin Baldo Jr. na siya ring incident commander sa isinasagawang retrieval operation, kailangang magdoble ingat ang rescue team dahil sa matarik na daan paakyat sa bulkan sabayan pa ng malakas na hangin at mga pag-ulan.

Kinumpirma nito na nakita na ang bangkay ng apat na sakay ng eroplano subalit hindi pa mabatid kung kailan ito maibababa.

Kinilala ang mga biktima na sina Captain Rufino James Crisostomo Jr., Joel Martin at ang mga foreign nationals na sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanan.

Agad naman na magpapalabas ng report ang investigation team oras na matapos na ang isinasagawang imbestigasyon lalo na sa kung ano talaga ang dahilan ng pagbagsak ng Cessna 340 plane