Naitala ng Quezon City Police District ang pinakamalaking pagbaba sa bilang ng mga naitatalang focus crimes .
Ayon sa QCPD, ito ay mas mababa kumpara sa mga kaparehong kaso na naitatala sa ibang police districts sa Metro Manila.
Paliwanag ng PNP, kabilang sa mga kaso na kanilang naitatala ay murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, at maging kaso ng carnapping.
Sa datos ng QCPD, aabot sa 1,350 na mga insidente ang natukoy mula Enero hanggang Hulyo 2023.
Mataas ito kumpara sa 1,060 na insidente sa parehong panahon ngayong kasalukuyang taon.
Paliwanag ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, 21.48 percent ang ibinaba ng malalaking krimen sa kanilang nasasakupan.
Kinilala naman ng opisyal ang kanyang mga tauhan dahil sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho.