Naitala ng Philippine Statistics Authority ang pagbaba sa presyo ng mga agri commodities sa unang bahagi ng buwan ng Marso.
Batay sa monitoring ng ahensya, nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng bangus, kamatis, pulang sibuyas, kalamansi, at pulang asukal.
Sa isang pahayag, sinabi ng PSA na nagkaroon ng tapyas presyo sa kada kilo ng Bangus.
Naglaro ang presyo nito sa ₱212.17 kada kilo sa unang bahagi ng buwan.
Samantala, halos sampung piso naman ang ibinaba sa presyo ng kamatis.
Sa ngayon ay may average retail price ito na ₱88.55 kada kilo.
Mas mababa naman ito sa ₱98.37 na kada kilo noong buwan ng Pebrero.
Naitala rin ng ahensya ang pagbaba sa presyo ng sibuyas na nasa ₱144.32 kada kilo mula sa ₱162.62 na presyuhan nito noong nakaraang buwan.
Gumalaw rin ng bahagya ang ang presyo ng well milled rice.
Ito ay umakyat sa ₱56.90 kada kilo sa unang linggo ng Marso.