Asahan na ang pagbaba ng nasa PhP35 – PhP36 ang presyo kada kilo ng bigas sa Kadiwa ng Pangulo Centers, ilang piling pamilihan, at mga estasyon ng train.
Ito ang inihyag ni Agricuture Under Secretary Arnel de Mesa.
Ayon kay De Mesa, ito ay dahil ngayong Enero, ilu-lunsad na ang Sulit Rice at Nutri Rice ng pamahalaan, kasabay ang pagpapalawak pa ng Rice for All program.
Pagsisiguro ng opisyal, ang Sulit Rice na tinatawag na 100% broken rice at maganda pa rin ang kalidad.
Ang Nutri Rice naman, o iyong bigas na nasa pagitan ng well milled at brown rice, siksik pa rin sa sustansya.
Mabibili naman ito sa PhP37 hanggang PhP38 kada kilo.
Sasabayan pa ang mga inisyatibong ito ng mas pinababang presyo ng bigas sa ilalim ng Rice for All program ng Marcos administration.
Mula sa PhP40 per kilo, ngayong Enero, ibababa pa ito sa PhP38 hanggang PhP39 kada kilo.