-- Advertisements --

Hamon para sa Pambansang Pulisya ang pagbaba ng bilang ng mga nasisiyahan sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ito ay matapos bumagsak ng 11 percent ang net satisfaction rating ng war on drugs sa SWS survey mula 77% noong December 2016 at ngayon ay nasa 66% noong nakaraang buwan ng Marso.

Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na sisikapin nila na iangat muli ang rating nito.

Isa sa mga indikasyon dito ay ang suporta na ipinapakita ng PNP sa giyera kontra droga.

Sa parehong survey, bumaba naman ang bilang ng mga indibidwal na natatakot mabiktima ng extra-judicial killings.

Sinabi ni Carlos na resulta ito ng pagpapaliwanag nila na walang EJK sa Pilipinas.

Aniya, kaisa ang PNP sa 92 porysentong na lumabas sa survey na nagsasabing dapat mahuli ng buhay ang mga drug suspek.