May mga gagawing pagbabago sa dalawang natitirang presidential debate sa pagitan nina US President Donald Trump at katunggali nitong Democratic nominee Joe Biden.
Kasunod ito ng pagiging magulo ng unang debate nitong Miyerkules dahl sa walang pakundangang pagsingit ni Trump habang nagsasalita si Biden.
Ganoon din ang galit na rejoinder ni Biden kahit na tapos na o hindi na pa nito oras na magsalita.
Hindi naman binanggit ng Commission on Presidential Debates ang kanilang gagawing mga pagbabago.
Ang nasabing grupo ay isang nonpartisan na binuo noon pang 1988.
Gaganapin ang ikalawang debate ng dalawa sa Oktubre 16 sa Adrienne Arsht Center for the Performing Arts sa Florida dakong alas-9 ng umaga oras sa Pilipinas.
Habang ang ikatlong debate ay sa Oktubre 23 sa Belmont University sa Nashville, Tennessee dakong 8:30 ng umaga oras sa Pilipinas.
Samantala.. balikan natin ang ilang mga mahahalagang kaganapan sa unang US Presidential Debate.