Isinusulong ngayon sa Rehiyon Uno ang pagbabago sa depinisyon ng ‘fully vaccinated’ kung saan isasama na rito ang Covid booster shots.
Ayon kay Dr. Rheuel C. Bobis ang siyang Medical Officer IV – Ilocos Center for Health Development na sa ngayon ay nasa 21.98% pa lamang ng eligible population ang natuturukan ng booster shots malayo pa ito sa mandato ni Pngulong Ferdinand Marcos Jr na dapat ay bago ang ikasandaang araw na panunugkulan ng pangulo ay nasa 50% na ng targeted individuals ang natuturkan ng naturang bakuna.
Kung kaya naman nagkaroon na rin aniya ng pagpupulong ang kanilang ahensya sa pagbabago ng depinsiyon ng mga indibidwal na ganap ng nabakunahan.
Aniya na dahil may halos tatlumpung porysento pang hahabulin, ay kanila pang paiigtingin ang mga hakbangin para mahikayat ang publiko na magpaturok ng boosters.
Bukod pa aniya sa pagdaragdag ng boosters sa terminong fully vaccinated, kanila rin umanong palalawakin ang access ng mga residente sa mga bakunahan kung saan ay maglalagay na rin aniya ng mga vaccination sites sa mga malls maging sa mga palengke.
Ang kanila na rin umanong mga vaccination teams ang siyang lalapit sa lahat ng mga manggagawa upang sila ay mabakunahan.
Pagdidiin pa nito na ang mas palalakasin din nila ang kanilang information dissemination sa importansya ng mga bakuna lalo na’t malaki ang gampanin ng mga boosters para sa immunity ng isang tao laban sa nakakahawang sakit.
Samantala, sa kabuuan ay nasa 8,275,954 ng mga bakuna ang aniturok sa buong Rehiyon Uno kung saan 3, 751, 293 rito ay ganap ng nabakunahan o aabot sa 86.87% na 80 target population