Tinitingnan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang posibilidad na payagan ang mga pagbabago sa mga national ID.
Paliwanag ni National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa, maaaring buksan ito bilang bagong feature ng National ID System, at payagan ang publiko na baguhin ang kanilang personal na impormasyon sa database ng National ID.
Maaari aniyang sa Oktobre ay bubuksan na ito, lalo na at patuloy ang ginagawang pagsasaayos sa kabuuang database ng national ID.
Sa inisyal na plano aniya, maaaring payagan ang pagbabago sa pangalan, civil status, petsa ng kapanganakan, at maging ang lugar ng kapanganakan.
Sa pilot implementation ng bagong serbisyo, napili namang isagawa ito sa National Capital Region at Western Visayas.
Paliwanag ni Mapa na kailangan ding maging flexible ang pagbabago sa mga personal entry na nakalagay sa naturang ID upang matiyak na updated ang ninilaman ng naturang dokumento.