BAGUIO CITY – Pinag-aaralan ng mga awtoridad ang posibilidad ng pagbabago ng mga border checkpoints papasok sa lungsod Baguio.
Ayon kay Atty. Althea Alberto, Executive Assistant at Legal Officer ng City Mayor’s Office, pinag-aaralan ang posibleng paglipat o pagtayo ng karagdagang border checkpoints sa lungsod.
Ipinaliwag niyang sa pamamagitan nito ay mababawasan ang probema sa mga checkpoints at magiging magaan na lamang para sa mga motorista tutungo sa City of Pines.
Kasunod pa rin ito sa naranasang problema partikular sa trapiko sa mga borders ng lungsod sa mga nagdaang buwan dahil madaming bilang ng motorista kasabay ng pinaluwag na travel restictions.
Samantala, nilagdaan ng lokal na pamahalaan ang bagong entry protocols para sa mga tutungo sa Baguio City epektibo ngayong araw ng Biyernes.
Base sa bagong protocol, kailangang magpakita ng negative RT-PCR o antigen test result na nakuhan sa loob ng 72 oras sakbay bago pumasok sa lungsod o sasailalin ng testing sa Central Triage ng Baguio Convention Center ang mga non-resident na Private Sector Authorized Persons Outside of Residence na may official travel, ang mga non-resident travelers na bibisita sa lungsod at ang mga turista at mga returning Baguio residents.