-- Advertisements --

Bahagya lamang ang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa mga impormante mula sa oil industry, tataas ng mula P0.05 hanggang P0.15 ang kada litro ng gasolina.

Habang may tapyas na P0.05 hanggang P0.10 ang kada litro ng diesel.

Sa kada litro naman ng kerosene, magkakaroon ng P0.05 hanggang P0.10 na bawas.

Ang kada kilo ng LPG ay may umento naman na P0.50 hanggang P1.00.

Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng mga oil products sa araw ng Martes.