Inaasahan na magkakaroon ng karagdagang pagpaplano at kaukulang pagbabago sa resupply mission ng bansa sa West Philippine Sea para matiyak na wala ng masugatang personnel.
Ito ang inihayag ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Comm. Roy Vincent Trinidad matapos ngang makumpirma na may 7 nasugatang tropang Pilipino habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin shoal kung saan 1 sa mga ito ay naputulan ng daliri sa insidente.
- Pag-anunsiyo sa publiko ng resupply missions sa Ayungin shoal, dapat aprubado muna ni PBBM – PCG
- Grupo ng mga negosyante kinondina ang harassment na ginawa sa mga kasundaluhan ng bansa sa WPS
- Pagsagip sa military personnel na nasugatan sa harassment ng CCG personnel sa Ayungin shoal, inabot ng 12 oras – PCG
- Ilang business organizations sa bansa, hiling ang pagkakaisa at modernisasyon sa AFP, PCG, kasunod ng nangyaring harassment sa WPS
Nang matanong naman ang opisyal kung ano ang gagawin ng panig ng PH sakaling i-provoke ang ating tropa, sinabi nito na dapat ang mg aksiyon ng bansa ay alinsunod sa international law.
Sinabi din nito na tungkulin nilang igiit ang soberaniya ng ating bansa at tiyaking maprotektahan ang ating sovereign rights.