Nakagawa umano ng malaking pagkakamali ang Iran sa pagpapabagsak ng US military surveillance drone sa Strait of Hormuz.
Ito ang naging reaksyon ni US President Donald Trump matapos na makarating sa kaniyang impormasyon ang nasabing insidente.
Hindi pa naman nito binanggit ang susunod na hakbang ng US sa Iran.
Nagsasagawa na ng paghahanap ang US naval force sa mga debris ng drone mula sa lugar kung saan ito bumagsak.
Depensa naman ng Iran na nilabag ng US ang kanilang Iranian airspace subalit ipinaggigiitan ng US na ang drone ay nasa international waters noong nangyari ang insidente.
Ang pangyayari ay lalong nagpainit ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa na nitong nakalipas lamang na mga araw ay nagpapalitan ng maaanghang na salita bunsod nang pag-target sa dalawang oil tankers na isinisisi rin sa Iran.