-- Advertisements --

Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang mga pagbabakuna ay boluntaryo lamang.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na hindi pinipilit ang mga tao na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Dagdag pa nito, ngayong panahon nasa developmental stage ang mga bakuna ay hindi dapat pinipilit ang mga tao na magpaturok ng bakun dahil ito ay hindi pa kumpleto.

Nangingibabaw aniya ang karapatan ng mga tao kung kagustuhan nilang magpaturok ng bakuna.