Hindi pa ngayon nirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna sa mga menor de edad dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, dapat unahin muna ang mga may edad na dahil ito ang unang nasa tinatawag nilang prioritization framework.
Base na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, nararapat lamang na turukan ng mga bakuna laban sa mga COVID-19 ang mga menor de edad na may comorbidities.
Dagdag pa ng kalihim, ang kalahagahan ng tinatawag na ring vaccination kung saan kahit na hindi nabakunahan ang isang menor de edad basta ang kaniyang mga nakasama niya sa loob ng bahay nila ay bakunado na ay malalayo na ito sa sakit.
Nauna nang iminungkahi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na dapat mabakunahan na laban sa COVID-19 ang mga bata na may comorbidites.