-- Advertisements --

Target na palawigin ang pagbabakuna ng COVID-19 booster dose sa mga eligible population ng bansa partikular na para sa mga A4 priority group o essential workers at A5 o indigent population sa Disyembre 10.

Inanunsiyo ito ngayong araw ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. dahil marami na aniyang suplay ng bakuna sa bansa gayundin sa gitna ng banta ng bagong Omicron COVID-19 variant.

Paliwanag ni Galvez na kailangan na paigtingin pa ang depensa sa pamamagitan ng pagbibigay ng booster shots.

Sa ngayon ayon kay Galvez, umaabot na sa 174,000 indibidwal ang nakatanggap na ang COVID-19 booster shots sa bansa kabilang ang mga fully vaccinated health workers, senior citizens at mayroong comorbidities.

Saad ni Galvez aabot sa mahigit 61 million ang suplay ng vaccines para sa booster shots na kailangang magamit sa lalong madaling panahon.