-- Advertisements --

Inanunsiyo ni British Prime Minister Boris Johnson na mabibigyan ng booster vaccine ang mga nasa may tamang edad na sa katapusan ng Enero.

Sinabi nito na na kada grupo ang paraan ng pamamahagi ng booster shots.

Kasabay din nito ay nanawagan din siya ng pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan at mga establishimento sa England bilang panlaban na rin sa Omicron variant ng COVID-19.

Sinang-ayunan din nito ang mga health experts na panatilihin ang social distancing ngayong kapaskuhan para hindi na lumala pa ang hawaan ng Omicron variant.