Nilinaw ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na hindi compulsory o mandatory ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 years old hanggang 11 years old.
Ayon kay NVOC head, Health Undersecretary Myrna Cabotaje na walang nilalabag na karapatan sa isinusulong ng pamahalaan na pagbabakuna sa mga bata.
Paliwanag ni Cabotaje, may consent sa mga parents ang pagbabakuna sa mga bata kagaya ng ginawa duon sa mga batang may edad 12 to 17 years old.
Aniya, ipapaliwanag din sa mga bata ang benefits ng bakuna at ang side effects nito.
Sa Lunes, February 7,2022 magsisimula na ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 to 11 laban sa Covid-19.
Ito’y sa kabila ng petisyon sa korte para itigil ang immunization drive sa nasabing age group.
Binigyang-diin ni Cabotaje na ang Covid-19 vaccines ay generally safe at hindi ang Pilipinas ang unang bansa ang nagbakuna sa mga bata.
Aniya, mas grabe ‘pag nagkasakit yung bata at nagkasakit yung adult ng COVID, kaya ang bakuna ang nagbibigay ng dagdag proteksiyon.