Sisimulan na ng pamahalaang lokal ng Taguig ang pagbabakuna sa mga batang may edad limang taong gulang hanggang 11 years old sa Lunes, February 7,2022 gagawin ito sa dalawang locations sa SMX Convention Center-SM Aura at Lakeshore Vaccination Hub.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, sa ngayon mayruong kabuuang 9,519 pre-registered minors na ready for vaccination, ngunit maaari pa rin ito matatagpuan.
Hinimok ni Mayor Cayetano, ang lahat ng mga residente ng siyudad na mag register at i book ang vaccination ng kanilang mga anak.
Bisitahin lamang ang kanilang trace.taguig.gov.ph. o bisitahin ang https://vaccination.taguiginfo.com para sa karagdagang updates at announcements patungkol sa Covid-19 vaccination ng Taguig City.
Siniguro ni Mayor Lino, na pangungunahan ng city government ang transition para sa new normal mula sa pandemic patungong endemic.
Inatasan na rin ng alkalde si City Administrator Lyle Pasco para i audit at icheck ang progress ng kanilang Taguig 2025 plan na naka pokus sa city’s full transition para sa isang highly sustainable city para maging mas resilient sa pandemics at iba pang pressing problems sa mga kinakaharap.
Una ng sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ang pagbabakuna sa mga batang may edad limang taon hanggang 11 years old.
Ito ay gagawin sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North EDSA (Skydome), at Fil Oil Gym sa San Juan.
Bukod sa mga nasabing locations sa Metro Manila, magkakaroon din ng 30 locations sa Central Luzon at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon).
Pinaalalahan din ni Malaya sa mga magulang ng mga bata na may comorbidities na iprisinta ang medical clearances at proof of relationship sa minors na babakunahan.