-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umpisa na ngayong darating na araw ng Lunes April 19 ang pagbabakuna sa mga senior citizen sa lungsod ng Cotabato.

Ito mismo ang kinomperma ni City Health Officer Doctor Meyasser Patadon.

Umaabot anya sa mahigit 21,000 na mga senior citizen ang nakatakdang bakunahan ng CHO.

Ngayong araw ng Lunes ay darating rin ang karagdagang 500 vaccines.

Ilang mga paaralan sa lungsod ang gagawing vaccination area.

May nakalaan narin na 920 plus na vaccine para sa mga magha-hajj ngayong taon.