-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sisimulan na bukas ang pagbabakuna ng mga senior citizen ng lungsod ng Butuan ng unang dose ng bakuna gamit ang AstraZeneca.

Sa kasalukuyan mayroon lamang 300 vials ng bakuna na ibinigay ng DOH-Caraga kung saan 3,000 lamang ang mga senior citizen ang mababakunahan laban sa COVID-19.

Dahil dito, binigyan ng mga skedyul ang mga senior citizen sa kani-kanilang mga barangay nitong lungsod gayundin ang mga barangay passes sa mga naka-skedyul sa loob ng apat na araw.

At yung mayroon lamang mga barangay passes ang maaaring mabakunahan ngunit ang mga hindi pa, maaaring maghintay muna sa susunod na iskedyul.

Isasagawa ang pagbabakuna sa SM City Butuan, FSUU Morelos, Robinsons Place Butuan, at sa nadagdag na vaccination post na Bilay Polyclinic.