-- Advertisements --

TAGVAC1

Naniniwala ang pamahalaang lokal ng Taguig na lalo pang mapabilis ang pagbabakuna sa kanilang mga residente sa pagbukas ng kanilang ika-9 na vaccination sites.

Ito ay matatagpuan sa Cinema 1 at Cinema 5 ng Grand Canal Mall sa Mckinley sa Barangay Pinagsama kung saan mayruong tig dalawang vaccination teams kada sinehan at kayang makapagbakuna ng hanggang 800 katao kada araw.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano malaking tulong ito para madagdagan ang kapasidad ng nababakunahan sa lungsod araw-araw.

” We have a good number of vaccine supplies as of now. We were told by the national government that there will be more in June. With that, the job of the LGU is to make sure that vaccination is safe, fast, and accessible. The city of Taguig wants to focus on those three things. So, we will continue to aggressively plan our vaccination rollout,” pahayag ni Mayor Cayetano.

Ito na rin ang ika-apat na mega vaccination hubs na itinayo ng Taguig LGU matapos nauna ng itinayo ang Mega Vaccination Hubs sa Vista Mall, SM Aura, at BGC High Street, dagdag pa ang limang community vaccination centers sa ibat-ibang lugar upang maging mas madali sa mga residente ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Target ng pamahalaang lokal na ngayong linggo ay makakapag bakuna sila ng 65,000 mula sa 650,000 eligible individuals.

Binigyang-linaw naman ng alkalde na ang mayroon lamang na confirmed vaccination schedule ang maaring mabakunahan at bawal ang mga walk-ins.

Pwedeng magpa-schedule ng kanyang bakuna ang isang residente sa pamamagitan ng vaccination appointments online na Taguig TRACE.

TAGVAC

Sa datos ng Taguig Local Government Unit (LGU) umabaot na sa 54,287 residente mula sa A1 (medical front-liners), A2 (senior citizens), aT A3 (persons with comorbidities) ang nabakunahan na hanggang Mayo 18, 2021.

Target din ng Taguig na simula June 1,2021 makapagbakuna sila ng 5,600 kada araw at pagdating ng Disyembre ay lahat na ng residente nila ay nakatanggap na ng dalawang dose ng kani-kanilang bakuna.

Siniguro din ni Mayor Cayetano na lahat ng vaccination hubs ng lungsod ay mabilis puntahan, ligtas dahil mahigpit nila itong imino-monitor.

Maglalagay din aniya sila ng shuttle buses para masakyan ng kanilang mga residente patungo sa ibat ibang vaccination hubs.