BUTUAN CITY – Siento-porsiento ng ibinalik ng Department of Education o DepEd-Caraga ngayong araw ang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya nitong rehiyon matapos ang mahaba-habang holiday break.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DepEd-Caraga spokesperson Pedro Tecson na sa dami-raming mga paaralang ginawang evacuation centers dahil sa mga pagbaha nitong Christmas season, isang silid-aralan na lamang sa elementarya sa bayan ng Maninit, Surigao del Norte ang mayroong mga bakwit.
Ngunit nilinaw nito na ang pagbabalik sa klase ay nakadepende pa rin sa weather advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sa mga local government units, dahil hindi pa rin maganda ang panahon ngayon.