CAUAYAN CITY – Iginiit ng ilang opsisyal ng simbahang Katolika na hindi solusyon ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa usapin ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na naging dahilan ng paglaya ng ilang mga bilanggo na hinatulang habambuhay na makulong dahil sa karumal-dumal na krimen.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez, social communications director ng Diocess of Ilagan, sinabi niya na maliwanag ang katuruang simbahan na ang mga pari ay pabor sa kahalagahan ng buhay o pro-life at kailanman ay hindi maaaring talikuran ang katotohanan na ang Panginoon ay Diyos ng buhay.
Iginiit pa niya na ang kulungan ay hindi lamang lugar ng mga nagkasala sa batas kundi lugar din kung saan maaari rin silang magbagong buhay ngunit taliwas ang nangyayari dahil ginagawang impiyerno ang kanilang buhay.
Iginiit ni Fr. Ceperez na malinaw na ang Diyos ay nagnanais na bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay kahit makalasanan ang isang tao.