KALIBO, Aklan–Unti-unti ng bumabalik ang sigla ng mga international flight sa Kalibo International Airport.
Sa katunayan, umaabot sa apat hanggang limang international flight ang dumarating bawat araw sa paliparan habang ang domestic flight naman ay may pitong biyahe na nag-aaverage ng 130 hanggang 150 passenger sa bawat airline.
Ayon kay Engr. John William Fuerte, Manager ng CAAP-Aklan na mayroon ng isang ground handler ang nakipag-ugnayan sa kaniya at tiniyak ang muling pagbabalik ng iba pang international flight sa una o ikalawang kwarter ng taon.
Sa ngayon, nanatili na ang T-Way ay may dalawang flight sa loob ng isang araw na may average na 130 hanggang 150 arriving and departing passenger; Airseoul na may apat na beses kada linggong biyahe at may avergae na 150 hanggang 180 passenger habang ang Tiger Airways na may biyahe tuwing Martes, Huwebes at Sabado ay may average rin na 130 hanggang 150 passenger.
Sa kabilang daku, nilinaw ni Engr. Fuerte na ang dumating na Singaporian Airline noong nakaraang linggo ay isang chartered flight lamang.
Ito ay matapos na mag-request si Mr. Bong Tirol noong Pebrero 23 para sa mga bisita ng isang kasal na ginanap sa kilalang resort sa Boracay.