-- Advertisements --

Posibleng umanong maging madugo muli ang gyera kontra droga sa muling pagpasok dito ng Philippine National Police (PNP) ayon kay PNP chief Ronald “Bato” dela rosa.

Sinabi ng heneral na hindi niya maipapangako na wala nang dadanak na dugo sa war on drugs at iginiit na nakadepende raw ito kung manlalaban ang mga hinuhuling drug suspect at kung malalagay sa peligro ang buhay ng mga otoridad na humahabol sa mga ito.

Ayon kay Bato na walang pulis na gustong maging madugo ang kanilang mga operasyon pero hindi anya ito maiiwasan lalot gyera ang idenaklara ng gobyerno laban sa droga at may mga pahayag na rin aniya ang ilang mga drug lord na hindi nila isusuko ang bilyong pisong negosyo nila sa bawal na gamot.